top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Matagumpay na Isinagawa sa Barangay San Roque

Aug 3
1 min read

Nagkaisa ang pamunuan at mga residente ng Barangay San Roque para sa ginanap na Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Agosto 1, 2026.


Ipinatupad ang gawaing ito upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad. Naging pangunahing pokus sa paglilinis ang pagsugpo sa mga perwisyong lamok na nagdadala ng dengue sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga nakaimbak na tubig at basurang pwedeng paitlogan ng mga ito.


Bukod dito, nilinis din ang mga kanal at estero para sa maayos na agos ng tubig upang maiwasan ang pagbaha, kasabay ng pagwawalis sa mga pangunahing kalsada at pampublikong daanan sa barangay.


Patuloy na nagpapaalala ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa lahat ng pamilya na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang bakuran para sa kalusugan at kaligtasan ng buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page