Weekly Clean-Up Drive, Matagumpay na Isinagawa sa Barangay Niugan

Nagkaisa ang pamunuan at mga residente ng Barangay Niugan para sa ginanap na Clean-Up Drive ngayong Sabado, Agosto 1, 2026.
Ipinatupad ang gawaing ito upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad.
Naging pangunahing pokus sa ginanap na paglilinis ang mga sumusunod:
Pagsugpo sa Dengue: Pag-aalis ng mga nakaimbak na tubig at mga basurang pwedeng paitlogan ng mga lamok.
Pag-aayos ng Daluyan ng Tubig: Paglilinis sa mga kanal at estero para sa maayos na agos ng tubig.
Kaayusan ng Paligid: Pagwawalis at pagtatanggal ng mga kalat sa mga pampublikong daanan sa barangay.
Patuloy na nagpapaalala ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa lahat ng pamilya na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang bakuran para sa kalusugan ng buong pamayanan.










Comments