Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Tatlong Purok ng Barangay Sulucan

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Sulucan ang kanilang Weekly Clean-Up Drive sa Purok Hulo, Central, at Luwasan nitong Sabado, Agosto 1, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng kapaligiran upang mapanatiling maayos, ligtas, at malayo sa anumang banta ng sakit ang buong komunidad.

Pinagtuunan ng pansin sa nasabing gawain ang pag-aalis ng mga basurang pwedeng pangitlogan ng mga lamok, pagwawalis sa mga kalsada, at paglinis sa mga pampublikong daanan sa tatlong purok.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang mas lalong mapaganda at mapanatiling malinis ang kani-kanilang nasasakupan.










Comments