top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, isinagawa sa Purok Tubao 2 sa Brgy. Sulucan

Oct 19
1 min read

Nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa Purok Tubao 2 noong Oktubre 17, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga kalsada, kanal, at pampublikong lugar bilang bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa kalinisan at kalusugan ng pamayanan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa bawat residenteng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos, malinis, at ligtas sa anumang sakit ang kanilang kapaligiran.


Ayon sa Barangay Sulucan, ang patuloy na pagtutulungan ng komunidad sa mga ganitong aktibidad ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng buong barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page