top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Purok Libis na Malaki


Naging matagumpay ang isinagawang Weekly Clean-Up Drive ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan sa Purok Libis na Malaki nitong Sabado, Hulyo 25, 2026.

Ang regular na aktibidad na ito ay naglalayong panatilihing malinis, maayos, at ligtas sa iba't ibang uri ng sakit ang kapaligiran ng bawat purok sa barangay.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, barangay workers, at mga lokal na residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at pagtiyak na maayos ang daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at ang pagdami ng mga lamok.



Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Sulucan sa lahat ng mga mamamayan ng Purok Libis na Malaki na nakiisa at nagpakita ng kooperasyon sa ginanap na bayanihan.


Ayon sa pamunuan, ang patuloy na suporta at pakikiisa ng mga residente ang pangunahing susi upang mapanatiling maaliwalas, malusog, at maunlad ang buong komunidad.

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page