top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Brgy. Sta. Cruz ngayong Oktubre 17

Oct 17
1 min read

Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ngayong Oktubre 17, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, barangay tanod, at mga residente sa pag-iikot at paglilinis ng mga kalsada, kanal, at mga pampublikong pasilidad upang tiyakin ang kalinisan at kaayusan sa buong sakop ng barangay.


Ayon sa pamunuan ng Barangay Sta. Cruz, ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng lingguhang linis-barangay ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pag-stock ng tubig at akumulasyon ng basura na pwedeng pinagmulan ng mga peste at sakit.


Nagpaabot ng pasasalamat ang barangay sa patuloy na kooperasyon at pakikiisa ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng isang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page