top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Sta. Cruz para sa Kalinisan at Kaayusan


Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay ng Sta. Cruz ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Hulyo 4, 2026, bilang bahagi ng patuloy na inisyatibo para sa kalinisan at kaligtasan ng komunidad.


Sa pamumuno ng Sangguniang Barangay, nagtulong-tulong ang mga opisyal at barangay workers upang linisin ang mga pangunahing kalsada, daluyan ng tubig, at mga pampublikong lugar sa paligid.


Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at tumulong sa naturang aktibidad.


Muling pinaalalahanan ng barangay ang mga residente na panatilihin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura sa kani-kanilang tahanan upang mapangalagaan ang pangkalahatang kalusugan at kaginhawaan ng buong barangay.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page