top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Pulong Yantok



Nakiisa ang pamunuan ng barangay at mga residente ng Barangay Pulong Yantok sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong araw, May 30, 2026.


Ang lingguhang paglilinis na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad.

Sama-samang nilinis ng mga opisyal at mga boluntaryong mamamayan ang mga pangunahing kalsada, mga kanal, at mga pampublikong lugar sa barangay.


Nagpasalamat ang pamunuan ng Barangay Pulong Yantok sa lahat ng nag-alay ng kanilang panahon at lakas, at muling ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang tapat ng bahay.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page