top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Banaban

Oct 3
1 min read

Isinagawa ng pamunuan ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Oktubre 3, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, tabing-kalsada, at mga kanal upang tiyakin ang kalinisan at kaayusan sa sakop ng komunidad.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang patuloy na pagpapatupad ng lingguhang linis-baranggay ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagkaipon ng basura at mabawasan ang banta ng mga peste at karamdaman sa pamayanan.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay Banaban sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang kanilang kapaligiran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page