Weekly Clean-Up Drive at Road Clearing, isinagawa sa Purok Tubao 1 sa Brgy. Sulucan

Nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive at Road Clearing ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa Purok Tubao 1 ngayong Oktubre 10, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga kalsada at kanal, pati na rin sa pag-aalis ng mga humaharang sa mga pampublikong daanan upang tiyakin ang kalinisan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa lugar.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa bawat residenteng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos at malinis ang kanilang kapaligiran.
Ayon sa Barangay Sulucan, ang patuloy na pagtutulungan ng komunidad sa mga ganitong aktibidad ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng buong barangay.










Comments