top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Walang Tulong na Hindi Maihahatid: Mayor Jowar, Nagbigay ng Tulong sa Barangay Laog


Walang imposible kung gagawin ang lahat ng makakaya!

Nakakalungkot ang sinapit ng mga kapwa natin Angatenyong residente ng barangay Laog dahil sa pagkasira ng dike bunga ng napakalas na agos ng tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan na nagbunsod sa pagpapawala ng tubig sa Ipo at Angat Dam. Sa kadalukuyan ay isolated ang barangay dahil hindi ligtas na madaanan ang dike na nagsisilbing tanging daluyan ng transportasyon mula nang gumuho ang tulay noong nagdaang bagyong Ulysses. Bagamat ganito ang sitwasyon, sinikap po ng ating Pamahalaang Bayan na maitawid ang tulong sa kanila at alamin ang aktwal na kalagayan at pangangailangan.

Inilikas pansamantala sa paaralan ang mga residenteng apektado upang maagapan ang mas mabigat na sakuna na maaaring mangyari kung mananatili sila sa gilid ng dike. At dahil wala pang pamamaraan kung paano makakatawid nang ligtas ang mga residente upang magawa ang normal na pamumuhay, hinihikayat po ang may mga busilak na puso na mag-ambag ng kakayaning tulong para sa pagkukumpuni ng tahanan ng mga kapwa natin Angatenyong nasalanta.

Sa kasalukuyan po ay nagsasagawa na rin ang ating Pamahalaang Bayan ng konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kung paano sa pinakamabilis na paraan ay masosolusyunan ang problemang ito na hinaharap natin sa Barangay Laog.

4 views0 comments

Kommentarer


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page