top of page
bg tab.png

Walang Pasok!


ree

Alinsunod sa opisyal na pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ipinapaalam sa lahat na walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado, gayundin sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Bulacan bukas, Martes, Agosto 26, 2025.


Ang desisyong ito ay bunsod ng patuloy na nararanasang malalakas na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob sa bansa at pinalalakas pa ng hanging habagat o southwest monsoon. Ang naturang sama ng panahon ay patuloy na nagdudulot ng pagbaha at panganib, partikular sa mga mabababang lugar at mga pamayanang malapit sa ilog at sapa.


Pinapayuhan ang lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag at sumubaybay sa mga susunod na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan, DILG, at iba pang kaukulang ahensya. Ipinapaalala rin ang kahalagahan ng maagap na paghahanda at pag-iingat, lalo na sa mga pamilyang nakatira sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa.


Sa mga residente naman na kinakailangang lumikas, hinihikayat ang pakikipag-ugnayan sa inyong mga barangay at pagsunod sa mga ipinatutupad na safety protocols upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page