top of page
bg tab.png

PSA BREQS Outlet sa Bayan ng Angat, Bukas para sa Request ng Civil Registry Documents


Upang mas mapabilis at mailapit sa mga mamamayan ang pagkuha ng mga mahahalagang dokumento, inanunsyo ng Angat Municipal Civil Registry Office (MCRO) na patuloy na tumatanggap ang kanilang tanggapan ng mga aplikasyon para sa PSA Documents sa pamamagitan ng PSA BREQS Outlet.


Maaaring mag-request ng mga sumusunod na dokumento tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR (Certificate of No Marriage) sa loob mismo ng Pamahalaang Bayan mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.


Para sa kasalukuyang batch ng aplikasyon, itinakda ang sumusunod na iskedyul:

  • Panahon ng Pag-request: Enero 30 hanggang Pebrero 5, 2026.

  • Cut-off ng Aplikasyon: Pebrero 5, 2026, sa ganap na 3:00 ng hapon.

  • Petsa ng Pagkuha (Release): Pebrero 16, 2026.


Ipinaaalala ng MCRO na ang pagproseso sa PSA BREQS ay tumatagal ng dalawang (2) linggo. Binigyang-diin din ng naturang tanggapan ang polisyang "No Payment, No Process" para sa lahat ng mga aplikante. Ang inisyatibong ito sa ilalim ng Pamahalaang Bayan ay bahagi ng layunin na gawing mas komportable at hindi na kailangan pang lumayo ng mga Angatenyo para sa kanilang PSA requirements.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page