top of page
bg tab.png

MADAC, Pinagtibay ang mga Programa Laban sa Ilegal na Droga sa 3rd Quarter Meeting ng LGU Angat

1 day ago
1 min read

Isinagawa ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang kanilang 3rd Quarter Meeting upang higit pang patatagin ang mga programa at inisyatiba laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa Bayan ng Angat.


Pinangunahan ang pulong ni Punong Bayan Igg Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal Evelyn J. Cruz, SK President Mary Grace Evangelista, MLGOO Cecilia R. Caburnay, OIC Municipal Administrator Carlos R. Rivera Jr., MADAC Focal Person Dr. Miel Kathleen Franco, at Municipal Health Officer Dr. Jimmy Cruz.


Naging bahagi rin ng pagpupulong sina PDEA Provincial Officer Liwanag Sandaan, Sonny San Pedro ng Pearl of the Orient, pati na rin ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP.


Kabilang sa mga pangunahing agenda na tinalakay sa pagpupulong ang pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Ordinance and Policy, ang operationalization ng Balay Silangan, ang status ng Barangay Drug Clearing, at ang pagpapatibay sa mga tungkulin ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs).


Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, patuloy ang kanilang pakikipagkapit-bisig sa iba't ibang ahensya at sektor upang matiyak ang pagbuo ng isang ligtas, maayos, at drug-free na pamayanan para sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page