top of page
bg tab.png

Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Health Office sa Angat

1 day ago
1 min read

Muling nagtipon-tipon ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO).


Kasunod ng pambansang awit, isinagawa rin ang isang Bible Study sa pangunguna ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA).


Layunin ng naturang gawain na palakasin ang pananampalataya, espiritwal na kalusugan, at magbigay ng inspirasyon sa mga kawani sa kanilang pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod.


Dinaluhan ang seremonya ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal John Patrick D.C. Solis, at Konsehal Evelyn J. Cruz.


Nakiisa rin sa aktibidad ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng LGU, mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, at ang buong pamunuan at empleyado ng lokal na pamahalaan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page