top of page
bg tab.png

Voter’s Registration para sa BSKE 2026, Pormal nang Binuksan sa Bayan ng Angat

ree

ANGAT, BULACAN — Pormal nang binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter’s registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026, na magsisimula ngayong Oktubre 20, 2025 at magtatagal hanggang Mayo 18, 2026.


Isinasagawa ang pagpaparehistro sa COMELEC Office ng Angat mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang mga pambansang holiday.


Ayon sa COMELEC, kinakailangang magdala ng valid government-issued ID na may nakalagay na address. Hindi tatanggapin ang Barangay Certificate, Cedula, Company ID, o Police Clearance bilang kapalit na identification.


Tatanggapin sa nasabing panahon ang lahat ng uri ng aplikasyon tulad ng bagong rehistrasyon, transfer, reactivation, at correction of entries.


Hinimok ng COMELEC ang mga mamamayan ng Angat, lalo na ang mga unang beses na boboto, na agad magparehistro upang makalahok sa darating na halalan.


Ang bawat boto ay may kakayahang magpabago sa ating komunidad. Hinihikayat namin ang lahat ng karapat-dapat na botante na magparehistro habang maaga.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng ahensya upang masiguro ang mas malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa demokratikong proseso.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page