top of page
bg tab.png

Fun Run para sa Kabataang Angatenyo, Gaganapin sa Abril


Isang malaking hakbang para sa kalusugan at edukasyon ang nakatakdang ganapin sa darating na ika-25 ng Abril, 2026, sa paglulunsad ng "Eco Miles – Learners Smile Fun Run."


Ang proyektong ito ay inisyatibo ng Angat Runners, sa pakikipagtulungan ng Angat Local Youth Development Council (LYDC). Layunin ng aktibidad na ito na pagsamahin ang adbokasiya para sa kalikasan at ang pagtulong sa sektor ng edukasyon sa bayan.


Ayon sa LYDC, ang lahat ng malilikom na pondo (proceeds) mula sa nasabing takbuhan ay ilalaan para sa mga piling mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Angat. Layon nitong magbigay ng suporta at maghatid ng ngiti sa mga kabataang masusumid sa kanilang pag-aaral.


Maaari nang magparehistro ang mga nagnanais sumali sa pamamagitan ng online link (https://forms.gle/m9QqimWrfbedweKL6) o sa pag-scan ng QR code para sa mabilis na payment. Bukas din ang manual registration sa pamamagitan ng pag-mensahe sa opisyal na Facebook pages ng Angat LYDC at Angat Runners.


Bukod sa mismong takbuhan, inaasahan din ang mga sorpresang papremyo at mga espesyal na panauhin na bibisita sa kaganapan. Ang pamamahagi ng race shirts at bib numbers ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page