top of page
bg tab.png

Gabi ng Parangal 2026 para sa mga Matatagumpay na Kabataang Angatenyo, Inanunsyo Na


Nakatakdang idaos ng Angat Local Youth Development Council (LYDC) ang isa sa pinakatampok na kaganapan para sa sektor ng kabataan ngayong taon—ang Gabi ng Parangal 2026: Dalubhasa ng Bayan.


Gaganapin sa ika-7 ng Marso, 2026, sa Angat Municipal Gymnasium, ang pagtitipong ito ay may temang “Dangal at Mag-aangat ng Pamayanan.” Layunin ng aktibidad na bigyang-pugay at pormal na kilalanin ang mga kabataang Angatenyo na nagtagumpay sa kanilang mga piniling larangan, board exams, at iba pang propesyonal na karangalan na nagbibigay ng dangal sa buong bayan.


Ayon sa LYDC, ang pagkilalang ito ay hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay kundi isang paraan upang ipakita ang bunga ng sipag at dedikasyon ng mga bagong “Dalubhasa ng Bayan.” Inaasahang ang mga parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga lider at propesyonal sa Angat.


Bukas na ang pagrerehistro para sa mga nagnanais mapabilang sa parangal. Maaaring mag-sign up online sa https://forms.gle/4jkjG5J65FFCuhtS9 hanggang sa ika-22 ng Pebrero, 2026. Matapos ang registration, makatatanggap ang mga kwalipikadong kalahok ng confirmation message para sa kanilang pagdalo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page