top of page
bg tab.png

LYDC, Matagumpay na Naisagawa ang 1st Quarterly Meeting para sa Taong 2026


Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay at inklusibong pamamahala ang isinagawa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC) matapos nitong matagumpay na idaos ang 1st Quarterly Meeting nitong ika-8 ng Pebrero, 2026, sa Auditorium Room ng New Municipal Hall.


Dinaluhan ang pagpupulong ng mga lider-kabataan mula sa iba’t ibang organisasyon sa bayan kabilang ang SK Federation of Angat Bulacan, Jowable Youth, Rotaract Club of Angat, Partners for Change – Marungko, 4-H Club Angat Chapter, at Parish Commission on Youth – Sta. Monica Parish. Ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma upang talakayin ang mga estratehikong plano, monitoring plans, at alokasyon ng badyet para sa buong taon ng 2026.


Binigyang-diin sa pulong ang disiplina sa dokumentasyon at pagsunod sa SK Reform Act of 2015. Kabilang sa mga tinalakay ang:

  • Pagpaparehistro sa SK Monitoring and Evaluation Form.

  • Pagbuo ng Internal Rules of Procedure (IRP) ng LYDC.

  • Pagpapalakas ng mga alituntunin sa document submission at reporting.


Bilang bahagi ng pagpapaigting sa mekanismo ng partisipasyon ng kabataan, nagpasa rin ang konseho ng mga resolusyon na naglalayong gawing mas epektibo at transparent ang LYDC. Ang mga hakbang na ito ay inaasahang magbubukas ng pinto para sa mas empowered na kabataang Angateño na katuwang ng lokal na pamahalaan sa mabuting pamamahala.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page