
Sa loob ng mga siglo, ang Angat ay naging isang buhay na larawan ng iba't ibang kwento ng tradisyon, kultura at pangarap. Sama-sama nating hinarap ang mga hamon, sinungkit ang mga pagkakataon, at itinatag ang isang bayan na asensado at may bagong reporma. Ngayon, sa ating pagtitipon na may kagalakan, hagkan natin ang ating paglalakbay na may pasasalamat sa mga biyaya na ipinagkaloob sa atin at may panibagong pangako na itataguyod ang mas maaliwalas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Gayundin, ipinaabot natin ang ating taos-pusong pasasalamat kay Sta. Monica, na sa kanyang panalangin at biyaya ay ginabayan tayo sa bawat pagsubok at tagumpay. Nawa'y ang kanyang halimbawa ng pananampalataya, pagmamahal, at pagtitiyaga ay maging inspirasyon sa atin upang pag-ibayuhin ang ating pagsisikap at itaguyod ang mga halagang nagtatakda ng ating pagkakakilanlan bilang mga taga-Angat.
Maligayang kapistahan sa ating dakilang bayan. Sama-sama nating isulat ang susunod na kabanata ng kasaysayan ng Angat na may tapang, pagmamahal, determinasyon at gabay ni Sta. Monica! Viva Sta. Monica!
Comments