‘VEGETABLES BIG MEETING’ NG LEADS AGRI AT MAO ANGAT, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA PARA SA MGA LOCAL FARMERS
- Angat, Bulacan

- Aug 11
- 1 min read

Matagumpay na naisakatuparan ng LEADS Agri, katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat, ang Vegetables Big Meeting noong Agosto 7, 2026 sa Covered Court ng Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Dinaluhan ang malaking pagpupulong ng mga lokal na magsasaka ng gulay mula sa iba't ibang barangay sa bayan upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa modernong pagtatanim.

Naging pokus ng naturang aktibidad ang mga sumusunod:
PAGPAPAKILALA NG PRODUKTO: Pagbabahagi ng LEADS Agri sa mga angkop na produktong pang-agrikultura para sa proteksyon at pagpapalago ng mga pananim na gulay.
PROPER APPLICATION: Pagbibigay ng tamang rekomendasyon at gabay sa epektibo at ligtas na paggamit ng mga pataba at pampuksa ng peste.
KABUHAYAN AT ANI: Pagtutok sa mga estratehiya upang mapataas ang kalidad at dami ng ani ng mga magsasakang Angatenyo.
Nagpaabot ng malaking pasasalamat ang Municipal Agriculture Office sa lahat ng mga dumalo at nakiisa, gayundin sa LEADS Agri sa patuloy na pagkakaloob ng suporta para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan.









Comments