VALENTINE'S DAY CLEAN-UP SA BARANGAY BAYBAY
- Angat, Bulacan

- Feb 14
- 1 min read
Updated: Feb 23

Ipinamalas ng mga opisyal at residente ng Barangay Baybay ang kanilang pagmamahal sa komunidad sa pamamagitan ng isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong ika-14 ng Pebrero, 2026.
Nakatuon ang aktibidad sa paglilinis ng kapaligiran ng Barangay Hall at ng Baybay Elementary School. Sa pagtutulungan ng mga barangay officials, volunteers, at mga guro, nilinis ang mga drainage at kalsada upang masigurong ligtas at malayo sa sakit ang mga kawani ng barangay at ang mga mag-aaral.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga pampublikong pasilidad ay bahagi ng kanilang pangako na magbigay ng maayos na serbisyo at ligtas na espasyo para sa lahat ng Baybayeño, Valentine's Day man o ordinaryong araw.









Comments