UPDATE: Search and Retrieval Operation sa Ilog Angat (Dec. 24, 2025)
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Pansamantalang itinigil ng MDRRMO Angat - Angat Rescue ang isinasagawang Search and Retrieval Operation sa kailugan ngayong hapon, Disyembre 24, 2025. Ayon sa pamunuan, ang hakbang na ito ay bunsod ng papalapit na pagdilim at upang matiyak na rin ang kaligtasan ng mga responders.
Sa kabila ng masusing paghahanap gamit ang mga water assets, bigo pang makita ang biktima na naiulat na nalunod sa bahagi ng Norzagaray. Kinumpirma nina MDRRM Officer Carlos R. Rivera Jr. at Operations Chief Maria Lilibeth F. Trinidad na muling magpapatuloy ang operasyon bukas ng umaga, Disyembre 25, sa pag-asang matatagpuan na ang nawawala.
Pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa mga hotline ng bayan kung may mahalagang impormasyon tungkol sa insidente. 0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments