top of page
bg tab.png

UPDATE: 131 Indibidwal sa Sta. Cruz, Lumikas Dahil sa Bagyong Uwan; Barangay, Nagpasalamat sa Patnubay ni Mayor Jowar


ree

Naglabas ng monitoring report ang Barangay Sta. Cruz hinggil sa epekto ng Bagyong Uwan. Batay sa ulat, umabot sa 131 indibidwal o 36 na pamilya ang naapektuhan at lumikas mula sa low-lying areas ng Purok 1 (Pugpog at Rkings).


Ang ulat ay inilabas ngayong araw, Nobyembre 9, 2025, bandang 10:30 PM, at detalyado nitong ipinakita ang breakdown ng mga lumikas:



*No. of Affected Families: 36

*No. of Individuals: 131

*No. of Male: 64

*No. of Female: 67

*No. of Senior Citizen: M-1 / F-3

*No. of Children: M-51 / F- 46

              Infants: M-7 / F- 7

             Toddlers: M-4 / F-3

    Pre schoolers: M-0/ F-4

        School Age: M-11 / F-8

                Teens : M-8 / F-6

                 Adult : M-30 / F-33

*No. of PWD: 0

*No. of Pregnant: 1

*No. of Lactating: 4



Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa lahat ng indibidwal, ahensya, at organisasyong nagbigay-suporta sa kanilang mga evacuate sa panahon ng Bagyong Uwan.


Kabilang sa kanilang kinilala si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista para sa kanyang patnubay at pagsubaybay, kasama si Wowie Santiago sa kanyang malasakit, ang mga magigiting na Pulisya Ng Angat at MDRRMO Angat sa pagresponde, ang Tau Gamma Phi Angat Community Chapter sa kanilang tulong, at si Mam Ruffa Aquino at ang kanyang pamilya para sa inihandang masarap na lugaw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page