top of page
bg tab.png

Mayor Jowar, Kaisa sa Pagsusulong ng Kapakanan ng Senior Citizens


Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa pagpupulong ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) sa pangunguna ng kinatawan ng United Senior Citizens Partylist na si Congresswoman Milagros Aquino-Magsaysay. Sa kanyang pagbibigay ng mensahe, ibinahagi niya ang mga tulong na maibibigay sa ating mga senior citizen katulad ng:

* Opisina ng Senior Citizen

* United Senior Citizen ID (kung saan makakatanggap ng benepisyong medikal ang mayroon nito)

Ito ay dinaluhan ng mga pangulo at pangalawang pangulo ng mga senior citizen sa ating bayan kasama ang ating MSWDO Menchie M. Bollas na isinagawa sa Municipal Conference Hall.

Sadyang pinagtutuunan ng pansin ng ating punong bayan ang lahat ng sektor ng lipunan. Isa na rito ang benepisyo ng mga nakatatanda sa ating bayan. Layon niya na mas mapapangalagaan ang karapatan at kalusugan ng bawat senior citizens sa ating munisipalidad.


1 view0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page