top of page
bg tab.png

Gabay-paalaala para sa mas ligtas at payapang Undas 2025

ANGAT, BULACAN — Bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2025, muling nagpaalala ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mamamayan na bibisita sa mga pampubliko at pribadong sementeryo na sumunod sa mga itinakdang panuntunan upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng pagdiriwang.


Hinihikayat ang lahat ng dadalaw na maging disiplinado, responsable, at mahinahon sa pagpasok at paglabas sa mga sementeryo. Paalala rin ng lokal na pamahalaan na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit at sumunod sa mga alituntunin ng mga otoridad sa paligid ng sementeryo.


Sa patuloy na pagtutulungan ng mga mamamayan, mga tagapagpatupad ng batas, at ng lokal na pamahalaan, hangad ng Angat na maisakatuparan ang isang ligtas, maayos, at payapang paggunita ng Undas 2025.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page