top of page
bg tab.png

Munisipyo sa Barangay: Abot-Kamay na Serbisyo, Hatid sa Angatenyo


Kahapon (Pebrero 13) ay matagumpay na naisagawa ang paglulunsad ng proyektong Munisipyo sa Barangay (MSB) na pinangungunahan ng ating Pamahalaang Bayan sa pakikipagtulungan ng Angat Eye Clinic at organisasyong Angat Kalusugan.

Humigit-kumulang 500 indibidwal ang naging benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyong inihatid natin sa mga kababayan sa Barangay Niugan. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na serbisyong pampamayanan:

-Libreng Serbisyong Medikal at Dental

-Eye Check-Up

-Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)

-Bakuna sa hayop

-Libreng binhi

-Serbisyong Nutrisyon para sa mga Buntis at Nagpapasusong Ina

-Libreng Konsultasyong Legal

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga Senior Citizens, PWD at Solo Parents na makapa-apply para sa Privilege Booklet at ID gayundin ang mga nagnanais na makapagparehistro sa Philhealth. Maging ang Phylsis ay nakaisa din natin sa araw na ito upang makapag-aplay ng National ID ang mga taga-barangay na hindi pa nakakapag-aplay para dito.

Samantala, matapos ang pambungad na programa at pakikipagkumustahan sa mga nagsidating sa Venue ng MSB ay personal naming pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante “Jowar” Bautista ang pagdalaw sa mga taga-barangay Niugan na wala ng kakayahang magsadya sa venue. Inihatid nila ang ibang mga kagyat na pangangailangan gaya ng wheelchair, tungkod, atbp.


Maraming salamat sa aktibong pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Niugan sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Roberto Maximo. Sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon at tulungan ng ating Pamahalaang Bayan at ng Sangguniang Barangay, naipadama natin sa mga kababayang Angatenyo na may Pamahalaang Lokal tayo na handang umagapay sa kanilang mga kagyatan at batayang pangangailangan.

6 views0 comments

댓글


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page