top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pagtupad ng Pangarap: Pagbubukas ng Baybay-Laog Alternate Bridge


“Punong puno po sa kagalakan ang puso ko dahil sa wakas ay nabigyang solusyon na po natin ang ilang taong pagdurusa ng mga minamahal nating kapwa Angatenyo partikular sa Laog at ilang bahagi ng Baybay.

Masasabi ko na ibinilang ko na sa aking mga pangarap na maitayo ang tulay. Nasasambit ko sa mga talumpati at panayam na isa ito sa magiging prayoridad ko na magawa kapag nabigyan tayo ng pagkakataon na pamunuan ang bayan ng Angat. At tunay ngang napakabait po sa atin ng Panginoon dahil ginabayan po tayo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang proyektong ito. Ngayon heto na po tayo at buhay na buhay sa ating harapan ang katuparan ng aking pangako at pangarap para sa mga mamamayan ng Laog at Baybay.

Ang tulay ng Baybay-Laog ay isa sa maipagmamalaki kong legasiya ng kasalukuyang administrasyon na nagsusulong ng Asenso at Reporma at asahan po ninyo na patuloy po tayong magsisikap na maabot ang higit pang matayog na pangarap na pag-asenso ng ating bayan!”

– Mayor Jowar


Nagsimula ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng Baybay-Laog Bridge sa pangunguna ni Rev. Fr. Joshua Panganiban. Pagkatapos ng seremonya, ibinahagi ang kanilang mga mensahe at nilahad ang mahahalagang datos hinggil sa proyektong ito. Ang unang bahagi ng programa ay iniharap ni Kap. Ricky Delos Santos, BB. Cathlyn Joy Lipana, Kap. Paterno Manayao, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at Punong Bayan Reynante S. Bautista, na nagbigay ng mensahe.


Kasama sa mga dumalo sa pagpapasinaya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, SK President na si Mary Grace Evangelista, SK Chairman-Baybay na si Sophia Andrea Pascual, at ilang mga residente mula sa mga barangay Baybay at Laog.


Hindi rin nakalimutan magpasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga nagmamay-ari ng lupa na naging bahagi ng proyektong ito. Binigyang pugay ang pamilya ni Dr. Felicisima Punzalan at pamilya Salvador para sa suporta sa pagbuo ng alternatibong tulay. Muli, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pakikipagtulungan sa pagpapabuti ng imprastruktura ng Bayan ng Angat.

6 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page