top of page
bg tab.png

Year-end Party: Bagong Sigla para sa Paglilingkod sa Papasok na 2024


Sa pagtatapos ng taon, ipinagdiwang ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ang kasiyahan at pagkakaisa sa ginanap na Year End Party na may temang Kapaskuhan! 🎄✨ Ang kwento ng samahan, dedikasyon at diwa ng Pasko ay nagbigay buhay sa selebrasyon. Naroroon ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga konsehales upang magdagdag kasiyahan sa pagtitipon.

Nagtagisan naman ng galing sa pagsayaw ang anim kalahok mula sa iba't ibang departamento. Nakamit ang Grand Prize ng grupo mula sa Vice Mayor's Office, Budget, MPDO, Nutrition, PESO at DILG. Nakuha naman ang ikalawang pwesto ng mga kawani mula sa Mayor's Office, HR, ATMO, BIR, Engineering at COMELEC. Ikatlong pwesto naman ang mga kawani mula sa ating Municipal Health Office.

Nagkaroon din ng karagdagang pag-asa at kasiyahan ang pagdalo ni Salvador "Ka Ador" Pleyto, ang kinatawan ng ika-anim na Distrito ng Bulacan, na nagdagdag ng inspirasyon sa gabi. Kanyang ipinamalas ang kanyang suporta at dedikasyon sa ating bayan. Ang okasyong ito ay ginanap sa Angat Municipal Gymnasium, na naging saksi sa masayang pagtitipon at pagkakaisa ng mga kalahok. Sa gitna ng masayang pagdiriwang, isang napakahalagang bahagi ng programa ay ang pagbibigay-parangal sa mga tapat at dedikadong kawani ng Pamahalaang Bayan. Ang programa ay pinangasiwaan ng mga opisyales mula sa Samahan ng mga Empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Angat.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat, kami po ay taos-pusong nagpapaabot ng pinakamainit na pagbati ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat.

7 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page