top of page
bg tab.png

Regalo para sa Angatenyong Senior Citizen, Handog ng Pamahalaang Bayan


Sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week Celebration 2023 na may temang “Honoring the Invaluable Legacy of the Filipino Senior Citizen,” idinaos sa Municipal Gymnasium ang isang programa na inilaan sa ating mga senior citizen. Layunin nitong ialay ang pagpapahalaga sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa lipunan.

Sa pangunguna ni MSWDO Menchie M. Bollas at mga kawani, kasama ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, naghandog ng simpleng regalo ang lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa mga senior citizen. Hindi rin nakalimutan ang pagpaparangal sa apat na sentenaryo sa bayan bilang inspirasyon sa lahat.


Ang programa ay dinaluhan din nina Kon. Melandro G. Tigas, Kon. Oscar Suarez, Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, Municipal Administrator Noel C. Alquino, FSCAP President Elisa Vicente at OSCA President Rita L. Cruz.

2 views0 comments
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page