Elderly Filipino Week 2026: LGU Angat, Nagbigay-parangal sa mga Nakatatanda at Matatag na Mag-asawa

Pormal na ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Elderly Filipino Week 2026 na may temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan,” upang kilalanin ang mahalagang papel at ambag ng mga nakatatanda sa pamilya at lipunan.
Pinangunahan ang makabuluhang programa ni Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Menchie M. Bollas kasama ang mga kawani ng MSWDO, kaisa sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Konsehal John Patrick DC. Solis, Konsehal Luis J. Santiago, FSCAP President Elisa Vicente, at OSCA President Rita L. Cruz.

Tampok sa pagdiriwang ang pagbibigay-parangal sa siyam na centenarians mula sa iba't ibang barangay sa Angat bilang pagkilala sa kanilang mahaba at inspirasyonal na buhay:
Beatriz Gomez Ramos – Brgy. Marungko (104 taong gulang)
Adela Enriquez Sarmiento – Brgy. Sto. Cristo (103 taong gulang)
Semeona Cruz Manuel – Brgy. Binagbag (102 taong gulang)
Mamerto Torres de Guzman – Brgy. Niugan (101 taong gulang)
Clarita Flores de Guzman – Brgy. Sta. Cruz (101 taong gulang)
Maria Cruz Dizon – Brgy. San Roque (100 taong gulang)
Felicula Cruz Sayo – Brgy. San Roque (100 taong gulang)
Lutgarda Esteban Cruz – Brgy. Sta. Cruz (100 taong gulang)
Demetila Vergel de Dios Gonzales – Brgy. San Roque (100 taong gulang)
Bukod sa mga centenarians, pinarangalan din ng lokal na pamahalaan ang 20 Golden Couples o mga mag-asawang nagdiwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ng kasal na nagsisilbing ehemplo ng matatag at pangmatagalang pagsasama sa bayan.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, patuloy na itataguyod ng munisipyo ang kapakanan, dignidad, at mga karapatan ng mga senior citizens bilang pagkilala sa kanilang walang katapat na ambag at gabay sa komunidad.











Comments