top of page
bg tab.png

GulayAngat Festival 2026 at Angat Food Park , Opisyal nang Nagsimula

18 hours ago
1 min read

Pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang GulayAngat Festival 2026 at ang opisyal na pagbubukas ng Angat Food Park, na nagtatampok sa mayamang kultura, agrikultura, at mga lokal na produktong pagkain at paninda sa bayan.


Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal John Patrick DC. Solis at Konsehal Luis J. Santiago, ang opisyal na ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng Food Park.



Sinundan ang seremonya ng mga makukulay at masiglang pagtatanghal mula sa Angat Kalusugan Association, Inc., na nagbigay-sigla sa simula ng taunang kapistahan.


Ayon sa pamahalaang bayan, ang pagdiriwang ay nakadisenyo upang itaguyod ang mga lokal na merchant at ipagmalaki ang pagkakaisa at produkto ng Angat.


Inaanyayahan ang buong komunidad at mga karatig-bayan na makiisa, tumangkilik sa mga lokal na negosyo, at makibahagi sa iba't ibang aktibidad na inihanda para sa GulayAngat Festival 2026.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page