top of page
bg tab.png

Gabay para sa Unang 100 Araw ng Bagong Halal na Punong Barangay


Sa isang makabuluhan at organisadong pagtitipon, pinangunahan ni MLGOO Carla Marie T. Alipio ang oryentasyon at gabay sa unang 100 para sa mga bagong halal na Punong Barangay. Sa kanyang pagtalakay, iniharap ang mahahalagang gabay at mga hakbang na dapat sundan ng mga bagong halal na opisyal upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa unang 100 araw ng kanilang termino.


Hindi lamang ang MLGOO ang nagbigay-diin sa kaganapan na ito. Nakiisa rin ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, Konsehal William Vergel De Dios at ang buong hanay ng mga Punong Barangay sa bayan na nagpapakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa layuning ito.


Ang nasabing oryentasyon ay nagsisilbi bilang pundasyon para sa mga bagong halal na Punong Barangay upang magsagawa ng mabisang pamamahala sa kanilang mga nasasakupan.

9 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page