Ginanap sa ating Municipal Conference room ang buwanang pagpupulong ng mga miyembro ng Information Officers of Bulacan (InfoBul) sa pangunguna ng ating designated Information Officer Aldwin John F. Fajardo.
Ang pangunahing adhikain ng InfoBul ay ang mapanatili at mapalaganap ang tamang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at mga pangyayari sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga IOs na sina Regemrei Bernardo (City of Malolos), Vicente Lucas (Plaridel), Herman Gabriel Dela Cruz (Guiguinto), Vilma B. Santos (Balagtas), Guiller Garces (San Miguel), Kenneth Adrian S. Dela Cruz (Sta. Maria), Jahn Wilfred Santos, Arnel Tolentino (Bustos) John Mark Reobaldo (Pandi), Evelyn Villaluz (Bulakan), at Madonna Marcelo (DRT). Kasama din sa pagpupulong ang mga kawani mula sa Provincial Public Affairs Office na sina Wilhelmina Ancheta at Peñafrancia Chiapco.
Ang pagpupulong ay nagtagumpay dahil sa masigasig na partisipasyon ng bawat miyembro nito. Ang Pamahalaang Lokal ng Angat ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagbisita sa aming bayan.
Comments