top of page
bg tab.png

Bamboo Nursery at Bambusetum Project sa Angat


Sa layuning mapakinabangan ang potensyal ng kawayan para sa makabuluhang gamit sa pang-araw araw na buhay, pangangalaga sa kalikasan at pagbibigay ng pang-ekonomiyang pakinabang sa komunidad, pinondohan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) -Bulacan ang pagtatayo ng Bamboo Nursery and Bambusetum Project. May halagang 1.6 milyong piso, hangad ng proyekto na suportahan ang kabuhayan ng komunidad na sakop ng Ipo Watershed.

Bilang isa sa kabahagi sa nasasakupan ng Ipo Watershed, inaprubahan ang panukalang proyekto na isinumite ng Pamahalaang Bayan ng Angat na siyang naging batayan sa pagpapatupad ng nabanggit na proyekto. Kaya naman noong Abril 25 ay isinagawa ang pormal na paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng PENRO-Bulacan (sa pamamagitan ni PENRO Officer Emelita Lingat) at ng Pamahalaang Bayan ng Angat (sa pamamagitan ni Mayor Reynante Bautista). Nagsilbing saksi sa kasunduan ang Kinatawan ng Ikaanim na Distrito ng Bulacan na si Cong. Salvador Pleyto na siya ring naging punong abala at susi sa pagsasakatuparan ng mahalagang okasyon.


Kasama rin sa mga naging saksi sa kasunduan sina Angat Municipal Environment & Natural Resources Officer Evaliza De Guzman at Municipal Administrator Dr. Noel Alquino.


Bagamat sakop ng bayan ng Norzagaray ang mga residente ng San Mateo sa Ipo Watershed, na direktang makikinabang sa proyektong pangkabuhayan, hindi nagdalawang-isip ang Pamahalaang Bayan ng Angat na puspusin ang pagsasakatuparan ng proyektong ito dahil sa nakikitang maiaambag ng proyekto sa paglutas ng mga suliraning pang-kalikasan at makaagapay sa mga higit na nangangailangang mamamayan sa loob at labas ng bayan ng Angat.


3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page