top of page
bg tab.png

Unified PWD ID System, Hindi pa Ipinatutupad Ayon sa PDAO at MSWD Angat

Nov 9
1 min read

Naglabas ng opisyal na abiso ang Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Angat upang linawin na hindi pa kasalukuyang ipinatutupad ang Unified PWD Identification System sa bayan.


Ayon sa tanggapan, hinihintay pa sa ngayon ang pinal na abiso at mga kaukulang alituntunin (guidelines) mula sa kinauukulang ahensya bago simulan ang opisyal na implementasyon at pag-iisyu ng nasabing bagong ID system.


Kaugnay nito, nagbigay ang PDAO at MSWD Angat ng mga mahahalagang paalala para sa mga Persons with Disabilities (PWDs):

  • Para sa mga may valid na PWD ID: Mananatiling may bisa (valid) ang inyong kasalukuyang PWD ID. Hindi pa kinakailangang mag-apply para sa bagong Unified PWD ID hangga't wala pang opisyal na panuntunan ukol dito.

  • Para sa mga expired na PWD ID: Hinihikayat ang mga may paso nang PWD ID na mag-apply para sa renewal sa tanggapan ng PDAO habang hinihintay ang pagpapatupad ng Unified PWD ID System. Kinakailangan pa ring sundin ang kasalukuyang proseso at mga dokumentong kailangan sa pag-renew.

  • Para sa Unified PWD ID System: Pinapayuhan ang publiko na antabayanan lamang ang mga opisyal na anunsyo at karagdagang panuntunan hinggil sa pagsisimula at pag-iisyu ng bagong ID.


Humihingi ng pang-unawa at pakikiisa ang PDAO at MSWD Angat sa lahat ng miyembro ng sektor ng PWD, kasabay ng pagtiyak na agad silang maglalabas ng opisyal na impormasyon sa sandaling may matanggap nang bagong abiso.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page