top of page
bg tab.png

Unified 911, Handa sa Pagtugon sa anumang Emergency sa Bayan

Apr 4
1 min read

Upang mas mapabilis ang pagpapadala ng tulong sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan, muling binibigyang-diin ng Lokal na Pamahalaan ang paggamit ng Unified 911 bilang pangunahing numero para sa lahat ng uri ng emergency.


Ang sistemang ito ay idinisenyo upang maging "one-stop shop" para sa mabilis na koordinasyon ng mga sumusunod na serbisyo:

  • Police Response: Para sa mga krimen, kaguluhan, at banta sa seguridad.

  • Medical Assistance: Para sa mga aksidente, biglaang pagkakasakit, at pangangailangan ng ambulansya.

  • Fire Response: Para sa mga insidente ng sunog sa kabahayan o establisyimento.

  • Disaster Response: Para sa mga sakunang dulot ng baha, bagyo, at iba pang kalamidad.


Sa pamamagitan ng pagtawag sa 911, agad na maikokonekta ang biktima o tumatawag sa tamang ahensya gaya ng PNP, BFP, MDRRMO, at mga medical teams. Layunin nito na bawasan ang "response time" at masiguro na maililigtas ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page