Umpukan at Ugnayan
- Angat, Bulacan
- Mar 7
- 1 min read

Isinagawa ang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Alcantara Street ng Barangay Sto. Cristo upang direktang makisalamuha sa mga residente, talakayin ang mga isinasagawang proyekto, at alamin ang pangangailangan ng komunidad.
Pinangunahan ng Punong Bayan Reynante S. Bautista ang programa, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga Sangguniang Bayan Members, at ang Sangguniang Barangay ng Sto. Cristo sa pangunguna ni Kapitan Ernesto Sarmiento.
Layunin ng Umpukan at Ugnayan na mapalapit ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng bukas na talakayan tungkol sa mga kasalukuyang proyekto at iba pang programang makatutulong sa komunidad.
Comments