1,031 Pamilya sa Poblacion, Nakatanggap ng Rice Subsidy

Sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang (BBM) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nasa halos walong milyong pamilyang may mababang kita (low-income families) ang bibigyan ng 10 kilong bigas kada dalawang buwan bilang bahagi ng Bagong Pilipinas Rice Program.
Kaugnay nito, nakatanggap ang 1031 pamilyang Angatenyo ng rice subsidy noong Setyembre 14 kasabay ng programang “Handog ng Pangulo.” Kabilang sa napagkalooban ang mga low-income earners at vulnerable sectors tulad ng magsasaka, solo parents, PWDs at vendors mula sa mga barangay ng San Roque, Sto. Cristo, at Sta. Cruz.

Ang ipinapamahaging bigas ay locally-sourced o binili sa ating magsasaka gamit ang inilaang pondo ng pamahalaang nasyonal para sa Local Government Support Fund–Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU). Pinakamataas sa kasaysayan ang 57.872 bilyong pisong alokasyon para sa LGSF sa 2026 national budget, kung saan kabilang ang 37.492 bilyong pisong pondo para sa FALGU. Inaasahan na mas tataas pa ang pondo para sa LGSF at FALGU kung magiging matagumpay ang implementasyon ng mga programa at proyekto ngayong taon.

Patuloy na mamamahagi ng bigas para sa mga natukoy na benepisyaryo sa iba pang barangay ng Angat upang matiyak ang layunin ng programa na walang pamilyang magugutom, lalo’t higit ang nangangailangan.









Comments