Pag-iwas sa Krimen at Kaayusan sa Barangay, tinalakay ng Angat MPS

Nagsagawa ng Barangay Assembly ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga opisyal at residente ng Barangay Sto. Cristo, Angat, Bulacan ngayong Oktubre 25, 2026, humigit-kumulang ika-8:23 ng umaga.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni PCPT Lydio V. Venigas, Duty Officer of the Day (OD), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan ng kapulisan, pamunuan ng barangay, at ng mga mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong pamayanan.
Tinalakay sa asembleya ang mga mahahalagang usapin ukol sa pag-iwas sa krimen, pagpapanatili ng seguridad, agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain sa sakop ng barangay, at ang pagpapalakas ng aktibong partisipasyon ng komunidad para sa pangkalahatang kaayusan.










Comments