top of page
bg tab.png

Pangangalaga sa mga Ina: Buntis Party, Isinagawa sa Barangay Sto. Cristo

Sep 24
1 min read

Matagumpay na isinagawa ang Buntis Party sa Barangay Sto. Cristo Health Station sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit (RHU Angat) para sa mga nagdadalang-taong ina sa komunidad.


Naging katuwang sa pagtataguyod ng naturang programang pangkalusugan sina Dr. Rick Vdcnts, MedTech Aileen, kasama sina Margarita at Alice mula sa RHU Angat, upang magbigay ng kaalaman, pagsusuri, at gabay ukol sa ligtas na pagdadalang-tao at wastong pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol.



Buong-puso rin ang suporta ng pamunuan ng barangay sa pamumuno ni Kapitan Estong at Konsehal Pablo, kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW), Local Nutrition Network (LLN), mga Mother Leaders, at iba pang kawani ng barangay na tumulong sa kaayusan ng aktibidad.


Nagpaabot ng malaking pasasalamat ang Sto. Cristo Health Station sa lahat ng nakiisa at nag-ukol ng panahon upang maging masaya, maayos, at kapaki-pakinabang ang ginanap na programa para sa mga ina sa Barangay Sto. Cristo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page