Isinagawa kamakailan ang pamamahagi ng Tupad Payout mula sa ating Senador Bong Go. Sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), 500 residente ng Angat ang naging benepisyaryo. Ang mga benepisyaryo ay nagtrabaho sa paglilinis sa loob ng sampung araw at tumanggap ng P5,000 bilang kompensasyon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang programa ay layuning magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga displaced workers at magdulot ng positibong epekto sa ating bayan.
Comments