Sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), matagumpay na naisagawa ang payout para sa 400 mamamayan ng Angat, Bulacan. Ang bawat benepisyaryo ay nagtrabaho sa loob ng sampung araw sa iba't ibang pampublikong lugar sa bayan at nakatanggap ng P5,000 bilang kompensasyon para sa kanilang serbisyo.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at ang kinatawan ni Senador Villanueva na si Chris Sarmiento. Kasama rin sa mga dumalo sina Bokal Art Legaspi, Bokal Jay De Guzman, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang TUPAD program ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaang lokal at ni Senador Villanueva na magdala ng tulong at magbukas ng mga oportunidad para sa mas maginhawang buhay ng mga benepisyaryo nito.
Comments