Matagumpay na naipamahagi ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout sa 229 na mamamayang Angatenyo mula sa ating Cong. Salvador Pleyto. Ang mga benepisyaryo ng programa ay nagsagawa ng paglilinis sa loob ng sampung araw, at bilang insentibo sa kanilang serbisyo, sila ay tumanggap ng P5,000 bawat isa.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pansamantalang hanapbuhay, hangad ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo habang binibigyan sila ng pagkakataong mapabuti ang kanilang antas ng pamumuhay.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Comments