Bagong Hepe ng Angat PNP, Ipinakilala sa Flag Raising Ceremony
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Pormal nang ipinakilala sa publiko at sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ang bagong talagang hepe ng Angat PNP na si PMAJ Joel Alba sa ginanap na lingguhang pagtataas ng watawat nitong Lunes sa harap ng Gusaling Pampamahalaan.
Ang seremonya ay pinangunahan ng Municipal Nutrition Office at Public Employment Service Office (PESO). Nakiisa sa mahalagang okasyong ito ang ating Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin, at sina Konsehal JP Solis at Konsehal Blem Cruz.
Dumalo rin ang mga hanay ng Angat PNP at Angat BFP, kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan at lahat ng kawani ng pamahalaang bayan upang saksihan ang pagtatalaga sa bagong pamunuan ng lokal na pulisya.
Matapos ang seremonya, sinundan ito ng isang Bible Study na pinangunahan ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA). Ang gawaing ito ay bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan na hindi lamang maglingkod nang tapat sa bayan, kundi magkaroon din ng matatag na pundasyong ispiritwal ang bawat lingkod-bayan.









Comments