PESO Angat at Pandayan Bookstore, Matagumpay na Nagsagawa ng Local Recruitment para sa mga Angateño
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Binigyan ng pagkakataon ang mga residenteng naghahanap ng trabaho sa isinagawang Local Recruitment Activity (LRA) ngayong ika-17 ng Marso, 2026 sa PESO Office, New Municipal Building, Brgy. San Roque.
Ang nasabing aktibidad ay katuwang ang Pandayan Bookstore Inc., na naglalayong magbukas ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga kwalipikadong aplikante mula sa ating bayan. Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Angat, ang mga matatanggap sa nasabing recruitment ay itatalaga sa sangay ng nasabing bookstore sa Sta. Cruz, Angat, Bulacan.
Nagsimula ang panayam at screening sa ganap na ika-9 ng umaga, kung saan dinaluhan ito ng mga aplikanteng handang sumabak sa mundo ng retail at serbisyo. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagpupursige ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng kabuhayan at trabaho na "door-to-door" o malapit mismo sa tinitirhan ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinapalakas ng Angat PESO ang ugnayan sa pagitan ng mga pribadong kumpanya at ng mga lokal na manggagawa upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya sa ating bayan.









Comments