TUPAD Orientation Para sa 200 Benepisyaryo, Matagumpay na Isinagawa sa Brgy. Taboc
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ang orientation para sa mga benepisyaryo ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Nobyembre 6, 2025.
Ginanap ang aktibidad sa Covered Court ng Taboc, Angat, Bulacan, at dinaluhan ng tinatayang 200 benepisyaryo.
Ang orientation ay nagsilbing plataporma upang ipaliwanag ang mga detalye, responsibilidad, at mga proseso na may kinalaman sa TUPAD, na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga disadvantaged at displaced workers sa komunidad.
Ang pagpapatupad ng programa ay patunay sa patuloy na kooperasyon sa pagitan ng DOLE at ng lokal na pamahalaan upang itaguyod ang Asenso at Reporma sa bayan.








Comments