Tuloy-tuloy na Kalinisan: Weekly Clean-Up Drive sa Pulong Yantok
- Angat, Bulacan

- Feb 21
- 1 min read

Patuloy ang dedikasyon ng Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok sa pagpapanatili ng isang maayos at malusog na kapaligiran matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng regular na programa ng pamunuan ng barangay upang masiguro na ang bawat kalsada at daluyan ng tubig ay libre sa anumang basura na maaaring maging sanhi ng pagbaha o pag-ugat ng mga sakit gaya ng Dengue.









Comments