Sa inisyatibo ng ating butihing Cong. Salvador "Ka Ador" Pleyto sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) ay naisakatuparan ang paglulunsad ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na handog para sa ating mga kababayan. Ang kanilang oryentasyon ay isinagawa sa ating Angat Municipal Gymnasium.
Ang dalawandaan at walumput walong (288) mga Angateños na naging benepisyaryo ng nasabing programa ay magtatrabaho sa ating komunidad ng sampung (10) araw.
Ang mga programa na tulad nito ay malaking tulong para sa ating mga kababayan lalong lalo na sa mga displaced workers, underemployed, at sa mga labis na naapektuhan ang kabuhayan ng pandemya. Sa ganitong paraan ay unti unting makakabangon ang lahat sa kanilang mga pinagdadaanan. Inaasahan na sa pagtatapos ng programang TUPAD ay makakatanggap ang lahat ng benepisyaryo nito.
Bình luận