top of page
bg tab.png

Tree Planting sa Barangay Banaban, Pinangunahan ng mga Kabataan

Updated: Mar 28, 2023




Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa ginanap na Tree Planting sa Barangay Banaban na pinangunahan ng isa sa ating mga Civil Society Organization na Jowable Youth.





Kasama rin sina Kon. Ramiro Osorio, Kon. Darwin Calderon, Kon. Andrew Tigas, MDRRMO Ma. Lourdes Alborida at mga kasama, MENRO Eveliza De J. Guzman, LCR Gia Vergel De Dios, Cav Deal at mga miyembro ng Jowable Youth.




Unti-unting naisasakatuparan ang mga hakbangin ng mga organisasyon ukol sa patuloy na pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kalikasan. Malaki ang naiaambag nito lalo't ang mga gawaing rehabilitasyon ay isang remedyo na maaari nating maisagawa upang maisalba ang ating likas na kapaligiran. Isa lamang ito sa mga adbokasiya na maibsan ang pagkasira ng ating mga kabundukan na pinaglunsaran ng extractive environmental activities gaya ng pagku-quarry at iba pang aktibidad na nagdudulot ng pinsala sa ating likas na yaman.


23 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page